INIHAYAG ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na gagamitin lamang ang face shield kapag nasa Alert Level 4 ang bansa at ito’y magiging desisyon pa rin ng mga establisyemento at lokal na pamahalaan.
Sa isang briefing, idinagdag ni Vergeire na ito ang napagkasunduan sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Sinabi pa ni Vergeire na magiging mandatory lamang ang paggamit ng face shield sakaling itaas ang Alert level 5 sa isang lugar.
“Ito pong face shields ay napag-usapan na po’t naresolba na sa IATF na gagamitin lamang kapag Alert Level 4. This will be based on the discretion of establishments and local governments. And kapag Alert Level 5, it’s going to be mandatory,” aniya.