Face mask violators di na ikukulong sa presinto

IMBES na sa presinto, ikukulong ang mga mahuhuling walang face mask o hindi maayos ang pagkakasuot sa mga barangay at local government unit facilities, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar.


“What we’ve done is coordinate them with different barangays, so that hindi na ito sa police station dadalhin. Doon na sa barangay o ibang lugar na ipo-provide ng LGUs para hindi sila magkumpol-kumpol at maiwasan ang pagkahawa-hawa,” ani Eleazar.


Pero dagdag ng opisyal na maaari pa ring dalhin sa presinto, imbestigahan at ikulong nang hanggang 12 oras ang mga violator sa mga lugar kung saan walang ipinatutupad na ordinansa ukol sa pagsusuot ng face mask.


“Kung kinakailangan mag-fine sila, bigyan natin sila ng ordinance violation receipt, papauwiin na,” aniya.
Muli rin niyang pinaalalahanan ang mga pulis na huwag maging malupit sa kanilang mahuhuli.