Face mask sa indoor areas boluntaryo na lang

NAKATAKDANG magpalabas si Pangulong Bongbong Marcos ng executive order na naglalayong gawing boluntaryo ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor area.

Ito ang napagkasunduan, ani Tourism Secretary Christina Frasco, sa pagpupulong ng Gabinete ngayong Martes.

“As a result of the Cabinet meeting this morning, it was agreed that the President would be issuing an executive order per the IATF recommendation to make indoor mask wearing also voluntary all over the Philippines with few exceptions,” ani Frasco.

Gayunman, mandatory pa rin ang pagsusuot ng facw mask sa mga pampublikong sasakyan at ospital.

Kailangan ding magsuot ng mask ang mga hindi bakunado, taong may comorbidities at mga senior citizens.

“The direction of the Marcos administration is to lift the remainder of travel restrictions into the Philippines and that includes easing of our mask mandates to allow our country to be at par with our ASEAN neighbors who have long liberalized their mask mandates,” paliwanag niya.

Dagdag ni Frasco na agad ipatutupad ang EO kapag inisyu ito ng Pangulo.