HINDI maaaring tanggalin ng mga employers ang kanilang mga empleyadong ayaw magpabakuna kontra Covid.
Ito ang ipinagdiinan ngayon ni Labor Secretary Silvestre Bello III, kasabay ang pagsasabi na wala pang legal na batayan para sa mandatroy vaccination sa mga empleyado.
“It’s not a mandatory obligation of anybody including workers. Wala pa kasing batas,” ayon kay Bello.
Ngunit paliwanag ni Bello, maaaring pagbasehan ng mga employers ang resoluyon ng Inter-Agency Task Force na maaaring magbukas ang negosyo kapag bakunado na ang mga empleyado.
“Ayan may legal basis na to hold the pay because of violation of an IATF ruling,” ani Bello.
“Now there is an obligation on the part of the employer na kailangan vaccinated ang mga empleyado niya so he can also require mga empleyado niya na magpabakuna na because there is a legal basis.”
Kamakailan ay mayroong mga naiulat na hindi pinasahod na mga empleyado dahil sa hindi pa bakunado ang mga ito.