ECQ tagumpay; kaso ng Covid-19 bababa next week

EPEKTIBO ang ipinairal na dalawang-linggong enhanced community quarantine sa NCR Plus, ayon sa OCTA Research Group.


Ayon kay Guido David ng OCTA, inaasahan nila na bababa na ang bilang ng mga nagkakasakit sa susunod na linggo.


Dagdag niya, nasa 1.24 na lamang ang reproduction rate ng Covid-19 mula sa 1.88 bunsod ng mahigpit na lockdown sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.


“Effective naman ang ECQ kasi nakita nating bumaba ang reproduction number sa NCR. Di pa masasabing nagpa-flatten na ang curve kasi 1.24 pa ang reproduction number pero may ilang lungsod sa Metro Manila na pababa na katulad ng Pasay at Marikina,” paliwanag ni David.


“Nakikita natin magpapatuloy ang trend, we’re hoping bumababa na siya to 1 by next week or by Sunday,” dagdag niya.