INIHAYAG ni presidential spokesperson Harry Roque na magpupulong ngayon ang Inter-Agency Task Force para isapinal ang magiging rekomendasyon nito kay Pangulong Duterte kaugnay sa community quarantine status ng Metro Manila simula Agosto 21.
“Pag-uusapan po mamayang hapon ng IATF ang quarantine classification at mayroon pong tentative na Talk to the People ang Pangulo sa Biyernes,” sabi ni Roque.
Nakatakdang magtapos ang dalawang-linggong enhanced community quarantine bukas, Agosto 20.
“Dalawang option lang naman po iyan– mananatili ang ECQ in which case ang tanong, mayroon bang pang-ayuda, or ibababa po sa MECQ,” aniya. –WC