MULING iginiit ni Pangulong Duterte sa publiko na hindi dapat mamili ng bakuna kontra coronavirus disease (Covid-19).
“Until now — early, early on, unang mga araw wala pa tayong bakuna nag-warning na ako sa inyo na kasi may mga tao, may grupo ng tao, may sektor dito na gusto Moderna, gusto Pfizer, ‘yung gusto US, ayaw ng made in China but when after all, they are all done in the laboratories with people who are really well-equipped medically to do their job,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People Marte ng gabi.
Matatandaang mismong ang anak ni Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang nagsabi na mas gusto niya ang mga produktong Pfizer at Moderna at hiniling na wag nang magpadala ang pamahalaan ng mga bakunang gawang China.
“So sabi ko huwag kayong mamili. Now ngayon, mayroon na naman na gustong — gusto — ayaw magpa-deliver ng iba kung hindi Pfizer pati Moderna. Sinasabi ko sa iyo, kung hindi totoo ‘yang mga bakuna na itong sa Sinovac pati Sinopharm, ito ‘yung unang nagdating, eh ‘di marami ng patay. If they are not effective and if they are not good, eh bakit ngayon halos wala ng patay? And yet you continue to mingle, ignoring the rule of distancing at every opportunity,” ayon pa kay Duterte.