Duterte negative sa huling swab test–Bong Go

NEGATIBO sa Covid-19 si Pangulong Duterte nang huli itong magpa-swab test noong Holy Week, ayon kay Sen. Bong Go ngayong araw.


“Regular naman pong nagpapa-swab test si Pangulong Duterte at, so far naman po, sa awa ng Diyos, ay negatibo naman po kung pagbabasehan po ‘yung last niya pong swab test,” ani Go sa kalatas.


Nang tanungin kung kailan huling nagpa-test si Duterte, sinabi ni Go na noong Semana Santa.


Dagdag niya na maingat ang Pangulo pagdating sa kanyang kalusugan.


“So, wala po kayong dapat ikabahala pero we cannot take chances. Ika nga, hindi natin pwedeng isugal, bagama’t alam n’yo po na si Pangulo talagang gustong lumabas,” ani Go.