RUMESBAK si Pangulong Duterte sa mga nagsasabing dumami ang mga bagong kaso ng Covid-19 sa bansa dahil sa palpak na pagtugon dito ng pamahalaan.
Aniya, hindi lamang ang Pilipinas ang naka-lockdown.
“Ang gobyerno ba natin nagkulang? Ang gobyerno ba natin walang ginawa? Alam mo, sa totoo lang, naka-lockdown ang countries of Ukraine, France, Germany, Poland, Italy,” ayon kay Duterte na sinabing mas madami pang lugar sa banda ang isasailalim sa ECQ.
“75 percent of Italy has entered a new lockdown in a bid to fight the rising rates of coronavirus. Hindi lang tayo,” giit niya.
“Nauna na nga sila sa vaccine and yet itong bagong strain, I am not a doctor or a medical practitioner, may mga reinfection sila at may bagong strain at ito ang kinatatakutan ko,” dagdag niya.