Duque pabor sa 2-week MECQ extension

PARA kay Health Secretary Francisco Duque III, dapat palawigin pa nang isa hanggang dalawang linggo ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus para mabawasan ang mga pasyente ng Covid-19 sa mga ospital.


“Kung titingnan natin ang datos, tingin ko talagang kinakailangan ipagpatuloy ang MECQ for another week or two dahil nga ang ating health system capacity ay hindi masyadong nag-iimprove pa sa ngayon,” ani Duque sa panayam sa TV.


“May ilang syudad ang may critical risk classification ang kanilang ICU capacity,” dagdag niya.


Ngayong hapon ay inaasahang magbibigay ng rekomendasyon ang Metro Manila Council, na binubuo ng mga alkalde sa National Capital Region, kung ipagpapatuloy pa ang implementasyon ng MECQ o ibababa na ang quarantine status sa general community quarantine (GCQ) sa rehiyon.