INIHAYAG ni Health Secretary Francisco Duque III na naka-quarantine siya ngayon matapos magpositibo ang kanyang staff sa Covid-19.
“Mr. President, I am in quarantine since I got exposed to my staff who tested positive last Friday. So bukas po magpapa-test ako and hopefully negative, but I’ll be under quarantine until the 8th or 10 days in all,” sabi ni Duque sa kanyang ulat sa Talk to the People ni Pangulong Duterte.
Idinagdag ni Duque na wala naman siyang nararamdamang sintomas.
“Huwag kang magsakit-sakit diyan kasi mawalaan tayo ng general dito sa health issues,” sabi naman ni Duterte. –WC