SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na wala pang indikasyon na magpapatupad ng lockdown ang pamahalaan dahil sa posilbeng pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
“Sa ngayon, walang indikasyon na magkakaroon ng lockdown matapos ang eleksyon,” sabi ni Duque.
Kasabay nito, itinanggi ng DOH ang kumakalat sa social media na maglalabas ito ng artipisyal na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 habang papalapit ang eleksyon.
“The Department of Health categorically denies unfounded rumors that it will report an artificial increase in COVID-19 cases close to election day for partisan use against any candidate at any level,” sabi ng DOH sa isang pahayag.