Duque kay Isko: Di pa oras para magtanggal ng face shield

PARA kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi pa napapanahon upang magtanggal ng face shield sa mga pampublikong lugar dahil hindi pa lahat ng mga Pilipino ay bakunado kontra Covid-19.


Ito ang sagot ni Duque sa apela ni Manila Mayor Isko Moreno na sinabing dapat nang itigil ng pamahalaan ang pagpapasuot ng face shield sa mga Pinoy.


“Okay mungkahi ni Mayor Isko kung malaki na vaccination coverage natin,” ani Duque.


“(Pero) hindi pa pwedeng tanggalin ang face shield policy for now when our two-dose vaccination coverage is a little over 2% due to still inadequate vaccine supply,” dagdag ng opisyal.


Itinanggi naman ni Duque ang sinabi ni Moreno na walang pag-aaral na nagsabing mabisa ang face shield laban sa corona virus.


“There are many scientific studies showing that face shields in combination with face masks and more than 1 meter social distancing provide a greater than 95% protection,” aniya. Hindi rin aniya totoo na tanging mga Pilipino lang ang nagsusuot ng face shield. –A. Mae Rodriguez