SINITA ni Pangulong Duterte ang mga lokal na pamahalaan na pinabayaang lumusong sa baha sa gitna ng malakas ulan ang mga nagpapabakuna.
Binatikos din ni Duterte ang mga mayor at barangay chairman na pinapayagang pumila ang mga tao nang alas-4 ng umaga gayong alas-9 ang simula ng bakunahan.
“People are exposed in the open, unprotected from the elements then they are waiting to get a chance to have the shot. Mga three to four hours magtindig diyan. Sa bagay, baha ngayon diyan,” aniya.
“Para bang to me, it’s bullsh*t kapag ganun ang ginagawa mo sa Filipino if you can’t do it in a place where there’s roof and cover their heads na hindi sila mabasa. Not exposed to elements. Umagang-umaga, naku Diyos ko po, bakit naman ganun?” dagdag niya.
Dahil dito ay inatasan niya si Interior Secretary Eduardo Ano na mag-isyu ng direktiba sa mga LGUs para maging
“proactive” at “circumspect especially now that the southwest monsoon is passing the country na. It’s not the way to do it.”
Inatasan naman niya ang mga alkalde at barangay chairman na humanap ng tuyo at malaking lugar para gawing bakunahan at ayusin ang schedule ng mga magpapabakuna.
“Make a head count of how many they can inoculate. Then tell them to come back rather than make them wait there. It’s a question of common sense,” dagdag ng Pangulo.
“(They have) to take into account the weather and the place where they should be waiting. That ought not to be repeated. Kawawa ang tao,” aniya pa.
Daan-daang mga residente ng Maynila ang pumila sa baha at ulan para makapagpabakuna sa San Andres Sports Complex nitong Biyernes. –WC