Positibo sa Delta variant kayang makahawa ng 8

MAAARING makahawa ng walo katao sa loob ng 30 oras ang isang indibidwal na positibo sa Delta variant ng Covid virus.


Ayon kay Dr. Edsel Salvana, director ng Institute of Molecular Biology and Biotechnology, mabilis ang pagkalat ng Delta variant at exponential ang spread
“Ito ‘yung nakakatakot sa Delta kasi alam natin the original virus from Wuhan can infect about 2.4 to 2.6 people. Ang sa Europe, 3; ‘yung Alpha na UK variant, it can infect 4 to 5. Itong Delta up to 8 people po puwede niyang i-infect and one of those 8 can each infect another 8,” ani Salvana.


Idinagdag niya na mula sa dating tatlong araw, maaari nang makahawa ang isang indibidwal sa loob lamang ng 30 oras.
“Minsan one, two minutes lang puwede na pong mahawa. So this is a very contagious virus po,” sabi pa ni Salvana. –WC