HINDI mag-aatubili si Pangulong Duterte na magpatupad ng mas istriktong lockdown sakaling muling dumami ang bilang ng kaso ng Covid-19 at mga paglabag sa health protocols.
Hirit ni Duterte, mas magiging mahirap sa pamahalaan kung kakalat sa bansa ang mas nakahahawang Covid variants.
“Ang pag-asa natin is really the obedience, parang boy scout. You want to end the danger of Coving-19 engulfing this country. Kapag hindi, mapipilitan talaga ako na to impose lockdowns and everything,” aniya.
“Under other circumstances, sabihin ko ayaw ko. But these things are for your own good and if you, hindi n’yo sumusunod and may resurgence naman tapos the new variants, mapipilitan talaga akong mag-impose ng lockdown, maybe stricter this time because hindi natin alam anong variant ‘yan,” aniya pa.
Kinumpirma ng Department of Health na mayroon nang 12 kaso ng Indian variant o B.1.617 sa bansa na sinasabing mas mabilis makahawa.