Du30 di na pag-oobligahin ang publiko na magsuot ng face shield–Tito Sotto


INIHAYAG ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na umaayon si Pangulong Duterte na sa mga ospital na lamang dapat suotin ang face shield.


“Last night, the President agreed that face shields should only be used in hospitals. Allowed us to remove ours! Attn DOH!” ani Sotto sa Twitter.


Wala pang kumpirmasyon ang Malacañang sa sinabi ng senador.


Ipinadala ni Sotto ang tweet isang araw makaraang sabihin ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na pwedeng hindi na magsuot ng face shield sa mga “bukas na lugar.’
“Ang face shields, kakailanganin naman talaga ‘yan kapag nasa indoor ka, nasa mall ka, or ‘pag may interaction ka face to face inside,” aniya.


“Pero ‘pag nasa outside naman, kasi alam naman natin ang risk of transmission is very low, at lalong lalo na kapag naglalakad ka lang sa kalye o kaya nagtatrabaho ka, kasi makaka-affect ‘yung moist nito so puwede n’yo nang tanggalin ‘yan,” dagdag niya.


Matatandaang kinuwestiyon din ni Manila Mayor Isko Moreno ang pag-oobliga sa mga Pilipino na magsuot ng face shield.