Si Aiko ba ‘yan? Di nga?


TRENDING online hanggang ngayong araw ang aktres na si Aiko Melendez makaraan niyang ipost sa Instagram ang kanyang bagong itsura.


Nitong Miyerkules ay inilabas niya sa IG ang picture niya na nakasuot siya ng blue t-shirt, denim shorts, rubber shoes at mahabang hair extension.


Daan-daan ang nagkomento sa tila pagbata ng itsura ng 45-anyos na aktres.


Tuwang-tuwa naman si Aiko sa mga natanggap na papuri at in-encourage niya ang mga fans na subuking alagaan din ang kanilang sarili.


“Thank you for making me trend yesterday and for the wonderful comments,” ani Aiko.


“Mahirap pero kung gugustuhin natin kakayanin natin ‘yan. Good luck sa inyong weightloss journey. And yes wala po akong makeup dyan,” dagdag niya. –A. Mae Rodriguez