NAKA-QUARANTINE si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat matapos na-expose sa isang nagpositibo sa Covid-19.
“I am currently in isolation following a recent exposure to a Covid-positive individual,” ani Puyat sa kalatas.
Kumpleto na sa bakuna at mayroon na ring booster shot ang opisyal.
Aniya, sa bahay muna siya magtatrabaho hangga’t walang medical clearance.
Maliban kay Puyat, nasa isolation din sina Health Secretary Francisco Duque III, Defense Secretary Delfin Lorenzana at vaccine czar Carlito Galvez Jr. makaraang ma-expose sa mga taong tinamaan ng Covid-19.