DUMATING Martes ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang 539,430 doses ng AstraZeneca na bahagi ng donasyon ng South Korea sa pamamagitan ng COVAX facility.
Pinangunahan nina Vaccine czar Carlito Galvez, Jr., Korean Ambassador to the Philippines Kim Inchul, Korean Embassy Consul-General Lee Kyo-Hoo ang pagsalubong sa mga bakuna.
Ngayong gabi, nakatakda namang dumating ang 1,078,740 doses ng Pfizer sa bansa na binili ng pamahalaan sa pamamagitan ng loan mula sa Asian Development Bank (ADB).
Bukas, darating naman ang 1,093,950 doses ng Pfizer at sa Disyembre 3, 2021 ay ang 222,300 doses pa rin ng Pfizer.