8 rebelde patay sa Iloilo encounter

WALONG hinihinalang miyembro ng New People’s Army and nakasagupa at napatay ng mga sundalo sa Miagao, Iloilo Miyerkules ng umaga.

Ayon sa report ng militar, nakaenkuwentro ng mga tauhan ng 61st Infantry Battalion at 31st Divison Reconnaissance Company ang hindi bababa sa 50 armadong kalalakihan sa Sitio Burak, barangay Alimodias, alas-6 ng umaga.

Wala namang nasugatan o nasawi sa hanay ng mga sundalo, ayon kay Major General Benedict Arevalo, hepe ng Army 3rd Infantry Division.

Nakuha sa mga nasawing hinihinalang rebelde ang tatlong M16 rifles, AK-47, apat na landmine, detonator, at iba pang mga kagamitan.

Hindi pa nakikilala ang mga nasawi, ngunit sinasabing ang mga ito ay mga miyembro ng Southern Front-Panay’s Sentro de Grabidad.