AABOT sa 500 overseas Filipino workers na patungong Saudi Arabia ang stranded sa Ninoy Aquino International Airport kahapon makaraang magpatupad ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng pansamantalang deployment ban sa nasabing Arab state.
Sa memorandum, inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na suspindehin “until further notice” ang pagpapadala ng mga manggagawa sa Saudi Arabia bunsod ng ulat na ang mga OFWs ang magbabayad para sa kanilang swab test, quarantine at iba pang health protocols pagpasok sa KSA.
Aniya, maglalabas ng kalatas ang kagawaran kapag naklaro na nito ang isyu sa pamahalaan ng Saudi Arabia.