Covid-19 deaths sa NCR nabawasan; dumami sa ibang lugar


HABANG bumababa ang bilang ng namamatay sa Covid-19 sa NCR Plus, kabaligtaran naman ang nangyayari sa ibang lugar sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).


Ginawa ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ang pahayag makaraang maiulat noong Huwebes na mayroong 210 katao na nasawi sa sakit.


“Bumababa ang deaths natin sa NCR Plus pero kailangan pa ring bantayan kasi nakikita nating mayroong pagtaas naman ng pagkakamatay sa ibang lugar dito sa ating bansa,” ani Vergeire.


Samantala, sinabi ng opisyal na hindi lahat ng naiulat na nasawi kahapon ay kamamatay lang.


Ang iba, aniya, ay namatay noon pang nakaraang Disyembre pero ngayon lang naberipika. –WC