PINAG-AARALAN na ng pamahalaan ang posibilidad na gawing taunan ang pagpapabakuna ng publiko kontra coronavirus disease (COVID-19).
“Tinatantiya po ng ating mga eksperto na magiging parang trangkaso na lang. Hindi ba sa trangkaso mayroon tayong tinatawag na yearly flu shot. So ‘pag nagkataon ‘yan na baka kailangan taunang bakuna, titingnan din,” pahayag ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje.
Kasabay nito, nanawagan si Cabotaje sa publiko na magpa-booster na.
“Kailangan natin na ulit-ulitin na hindi sapat iyong two doses lalung-lalo na sa kanila’ no. Nagwi-wane or humihina ang immunity lalung-lalo na sa edad nila, humihina ang proteksiyon so kailangan palakasin ito sa pamamagitan ng additional shot lalung-lalo na sa pagharap natin—paglaban sa Omicron at mga darating pang mga tinatawag nating variants of concern,” aniya.