NANAWAGAN ngayong Lunes si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Department of Interior and Local Government (DILG) na aksyunan ang pagkukumpulan ng mga tao sa Dolomite Beach.
“Kailangan po nilang ma-regulate ito pong mga taong nagpupunta, kasi kahit po binuksan na natin ang ating mga areas for these kind of activities, kasi outdoor naman pero ang mass gathering po, hindi pa rin yan pinapayagan dapat. So, kailangan po itong ma-regulate,” sabi ni Vergeire.
Nagbabala si Vergeire na posibleng maging dahilan ito nang muling pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
“Minsan po sa event na ganyan, imposible pong maipatupad ang minimum public health standard like we cannot do physical distancing in this kind of area. Kahit nasa outside ka pero magkakadikit naman kayo maaaring nariyan po ang impeksyon kaya po ating hinihikayat ang ating DILG so that they can regulate this kind of activity,” dagdag pa ng opisyal.