DoH official: NCR hindi pa handa sa MGCQ

TUTOL si treatment czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega na luwagan ang umiiral na community quarantine sa Metro Manila simula Hulyo 1.


Sa isang panayam sa radyo, iginiit ni Vega na bagaman bumaba na ang kaso ng Covid-19 sa NCR, nananatili ang banta ng mga bagong variant kagaya ng Delta at Delta Plus.


“(We’re still) out of the woods, sabihin nga. Hindi pa talaga tayo nakalabas talaga kasi ‘yung (mga kaso) ay dahan-dahan pa lang na bumababa,” giit ni Vega.


“Saka meron kasing variant of concern, ‘yung sinasabi nilang Delta variant. Although wala pa ‘yan sa local setting natin pero ito ‘yung babantayan po natin. Huwag tayong maging kumpiyansa kasi although bumababa, hindi pa natin masabi na talagang mawawala na ‘yan,” dagdag ng opisyal.


Ilang sektor ang humihiling na ilagay na ang Metro Manila sa modified general community quarantine (MGCQ), ang pinakamaluwag na lockdown status, mula sa umiiral na GCQ simula Hulyo dahil kumonti na ang kaso ng Covid-19 sa rehiyon. –WC