KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) ngayong Biyernes na nakapagtala ng 14 na kaso ng Omicron BQ.1 subvariant sa bansa.
Sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na inaalam pa ang detalye ng mga bagong kaso ng BQ.1.
Idinagdag ni Vergeire na mas nakahahawa ang BQ.1 at BQ.1.1 kumpara sa ibang subvariant ng Omicron.
Sinasabing ang BQ.1 ay subvariant ng Omicron subvariant BA.5. na nauna naging sanhi ng pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa bansa noong Agosto.