DOH hospitals lumuwag dahil may Covid-19 kumonti na–Duque

INANUNSYO ni Health Secretary Francisco Duque III na maluwag na ang mga ospital ng Department of Health dahil bumaba na ang bilang ng mga pasyente na may Covid-19 sa mga emergency rooms.


“Bumaba ng 21 percent pending admissions sa emergency rooms ng ating DOH hospitals mula April 18 to May 2. Nakita rin namin na bumaba ang bilang ng emergency room patients na nag-refer sa step down facilities,” ani Duque sa Talk to the Nation Lunes ng gabi.


“Nangangahulugan ito na-decongested ang ating mga level 2 and level 3 hospitals,” giit niya.


Maliban sa pagkonti ng may sakit, sinabi rin ng opisyal na dumami ang Covid-19 beds sa mga ospital.


Noong Mayo 2, nasa 400 ang available na ICU beds mula sa 215 noong Abril 18, aniya.