Digong umalma sa mayor, artista na nauna sa bakuna

digong galit

DISMAYADO si Pangulong Duterte sa ilang alkalde at artista na “sumingit sa pila” ng mga binabakunahan kontra-Covid-19.


Sa kanyang Talk to the People kagabi, sinabi ni Duterte na pananagutin ang mga politikong inuna ang sarili sa vaccination program ng pamahalaan.


Sa ginawa ng mga lokal na opisyal, nanganganib na matanggalan ng donasyong bakuna mula sa World Health Organization ang Pilipinas, dagdag ng Pangulo.


Nauna rito, pinagpapaliwanag ng Department of the Interior and Local Government ang siyam na alkalde kung bakit sila nabakunahan kahit wala sila sa priority list.
Ang mga ito ay sina Alfred Romualdez ng Tacloban City; Dibu Tuan ng T’boli, South Cotabato; Sulpicio Villalobos ng Sto. Niño, South Cotabato; Noel Rosal ng Legazpi City, Albay; Abraham Ibba ng Bataraza, Palawan; Elenito Peña ng Minglanilla, Cebu, at ang mga taga-Bohol na sina Victoriano Torres III ng Alicia, Virgilio Mendez ng San Miguel at Arturo Piollo II ng Lila.


Kabilang din sa mga nakapagpabakuna na ay ang aktor na si Mark Anthony Fernandez.
“Anak ito ng artista. Kayo na ang bahalang mag-imbestiga nito,” sabi ni Duterte.