2 senior citizens patay sa sunog sa Quezon City

qc map

NASAWI ang dalawang senior citizens nang masunog ang kanilang bahay sa barangay Roxas District, Quezon City Huwebes ng madaling araw.

Ang mga biktima ay mag-asawa na may edad 79 at 78, at isa sa kanila ay bedridden.

Hindi pa matukoy kung ano ang sanhi ng apoy na sumiklab ala-1 ng madaling araw na naapula matapos ang isang oras.