Digong: Sa ayaw pabakuna, maghanda na ng kabaong

PINAYUHAN ni Pangulong Duterte ang mga Pinoy na ayaw pa ring magpabakuna na maghanda na ng kanilang kabaong.


“Pag hindi ka nagbakuna, mamamatay ka talaga. So planuhin mo na ‘yung buhay mo kung paano pagdating ng panahon. Magbili ka ng kabaong o magpasunog ka. Magkano ang bayaran mo at maghanap ka na ng puwesto sa sementeryo. Ganyan ‘yan eh. Ayaw ninyong magpabakuna? Patay kayo sigurado,” ani Duterte sa briefing.


Ito ang reaksyon ng Pangulo sa ulat na marami pa ring Pilipino ang atubili na magpabakuna kontra-Covid-19.


“Hindi kayo mabigyan. Hindi man lahat nabibigyan ng mahal na (bakuna)… Sabihin madala ka sa ospital, ‘yang mga mayaman mabili lahat ‘yan ng medisina kung mahal na mahal. Eh tayo, ang gobyerno, kung bibilihin natin ‘yan, wala tayong pera. Kaya nga budgeted ‘yan eh. Naka-budget ‘yan, dito nakalista lang ‘yan kung anong gastusin natin. Labas diyan, wala tayong pera,” dagdag ni Duterte. –WC