Digong napuno na: ‘Arestuhin brgy. chair na inutil vs mass gathering’

IPINAARESTO ni Pangulong Duterte ang mga punong barangay na hindi kayang ipatupad ang ban sa mass gathering sa kani-kanilang mga lugar.


Sa kanyang public address Miyerkules, sinabi ni Duterte na mahaharap ang mga barangay chairmen sa dereliction of duty sa ilalim ng Revised Penal Code kung hindi nila mapipigilan ang mga pagkumpol-kumpol ng mga tao sa kanilang nasasakupan.


“Kapag may isa pa (na mass gathering), beginning tonight, ang unang hulihin ang barangay captain,” ani Duterte.


“I’m ordering the police to arrest barangay captain and bring him to the station and investigate him for being a derelict– dereliction of duty for having failed to enforce the law,” dagdag niya.


Nagbanta rin siya na ikukulong ang mga Pilipino na nagsasagawa ng mass gathering sa gitna ng pandemya.
“It’s criminal for you to get Covid and pass it on to another person,” ayon sa Pangulo.


“Pakulong ko kayo, I will look for a suitable law because you are forcing my hand. Ayaw ninyo, pasaway, e. ‘Yan ang problema ko sa Filipino,” hirit pa niya.


Nagpakawala rin ng mura si Duterte dahil sa pagkaunsyami sa dami ng insidente ng mass gathering sa bansa.


“Much as you’d like to reduce the Covid cases, e kung ganoon ang ginagawa ninyo walang katapusan itong p— ina ito kasi lahat kayo nagkahawaan na naman,” sabi niya.


“You know the danger of congregating or getting together so close to each other, nagsasayawan pa, nagpipiyesta pa. Ano ba naman? ‘Di ba sinabi na sa inyo na delikado ‘yan?,” dagdag niya. –WC