NAIS ni Pangulong Duterte na ibalik ang pagsusuot ng face shield sa harap ng banta ng bagong Omicron variant.
“Kaya ‘yung talagang gustong hindi kayo matamaan, huwag ninyong itapon ‘yung shield, continue using it, I advise you, because I really firmly believe that the wearing of that face shield has contributed a lot. I cannot quantify or by what percentage but it’s just a gut feeling na ‘yung kasi tayo — mababa na tayo ngayon,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People.
Nauna nang inalis ng pamahalaan ang mandatory na paggamit ng face shield sa harap ng pagbaba ng mga kaso sa bansa.
Nakakatulong sa Pilipino sa totoo lang, I think, the compliance of our citizens in the matter of strictly enforcing the masks, one. And when somebody — while it might be not really a well-studied proposition but I would dare say that that shield will add another layer of protection in addition to the…,” dagdag ni Duterte.