HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Duterte sa publiko matapos magpabakuna mula sa kumpanyang Sinopharm ng China kahit hindi pa nabibigyan ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang naturang vaccine.
“We are sorry that we committed the things that you are criticizing us for. We accept responsibility. At ako mismo nagpaturok, well, it’s the decision of my doctor. Anyway, it’s my life,” sabi ni Duterte.
Iginiit naman niyang legal ang naging aksyon niya sa ilalim ng compassionate use.
“Ang binigay lang ang compassionate use, which is really a legal excuse to have the compassionate use. Ibig sabihin, magamit mo compassionate,” paliwanag niya.
Mismong si Health Secretary Francisco Duque III ang nagbakuna sa Pangulo.
“May it’s not acceptable to them but it’s legal actually. When the government allowed it to be used for compassionate use that itself was an authority for people to be injected. Pero kakaunti lang ang naturukan nito,” dagdag ni Duterte. –WC