SINABI ng Department of Education (DepEd) ngayong Huwebes na maaaring magsuspinde ng klase ang mga regional offices (ROs) at school division office (SDOs) sa harap ng mga panawagan na dalawang-linggong health break para sa mga guro.
Sa ilalim ng memorandum na ipinalabas ng DepEd, iginiit nito na iba’t-iba ang nararanasang sitwasyon sa mga lugar sa bansa kaugnay naman ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (Covid-19).
“Given the varying health situations in different areas, the ROs/SDOs are given the option, based on their reliable assessment of the health status of their teachers and learners and the IATF risk classification, to declare suspension of classes within the month of January 2022,” sabi ng DepEd.
Ipinauubaya naman ng DepEd sa mga pribadong paaralan ang diskresyon kung magsusupinde ng klase.