Sara ‘ibinasura’ pakikipag-tandem kay Isko


HINDI makikipag-team up si Davao City Mayor at vice presidential aspirant Sara Duterte-Carpio kay Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa darating na halalan.


Sa kalatas, sinabi ni Duterte-Carpio na loyal siya kay dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


“I truly appreciate the love of so many for me and I do not wish to impose upon you my choice for president. While I continue to respect your decision to support another presidential candidate, it is with a heavy heart that I cannot be one with you on this,” aniya.


“Mahalaga po sa akin ang paninindigan at isang salita. Alam ko po na pareho ang ating mga adhikain para sa ating bansa. At para magtagumpay tayo, dapat ay iisa lang ang daang ating tinatahak. Kung kaya patuloy akong umaasa ng suporta ninyo sa UniTeam,” dagdag ni Duterte-Carpio.


Inilabas ng alkalde ang statement makaraang ikampanya ng isang grupo, na pinamumunuan ng isa umanong “political mercenary,” ang IS-SA o “Isko-Sara Tandem.”