AMINADO si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may posibilidad na kumalat na ang Delta variant sa bansa.
“Well, the possibilities are always there. Because as we have said, we do purposive sampling, ang kung saan ang ginagawa po natin, nagsa-sample po tayo doon sa mga lugar na may mga matataas po ang kaso,” sabi ni Vergeire.
Ginawa ni Vergeire ang pahayag matapos kumpirmahin na tatlo na ang nasawi mula sa mas mapanganib na Delta variant na dala ng coronavirus disease.
“So ito pong posibilidad na maaring hindi po natin nakita doon sa ibang lugar na hindi natin nakuhanan ng sample,” dagdag nj Vergeire.
Iginiit ni Vergeire ang pagsunod sa mga health protocol.
“Let us assume na kung sakali may transmission na ganiyan ay mapoprotektahan po tayo kung sakaling tayo ay susunod sa protocols and get yourselves vaccinated,” aniya.