De Lima hiling sa korte: Video call sa inang may sakit

HUMIRIT si detained Senator Leila de Lima sa korte na payagan siyang makausap ang inang may sakit kahit sa pamamagitan lamang ng video conference.

Naghain si De Lima ng extremely urgent motion sa korte na humihiling na makita ang kondisyon ng ina ng 89-anyos na ina na si Norma de Lima na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon dahil sa coronavirus disease.

Kasalukuyan naka-confine ang ina ng senador sa NICC Doctors Hospital in Naga City.

“Given the positive COVID-19 tests previously administered, in addition to Mrs. De Lima’s advanced age and overall declining health, it is extremely urgent that Accused De Lima be given the opportunity to see her mother, even though online video conferencing, without further delay, preferably within the day,” ayon sa kanyang apat na pahinang mosyon.

“Accused De Lima appeals to the utmost kind consideration of the Honorable Court, as a daughter who wants to be able to see her mother during this critical time,” dagdag nito.

Bago ito, sa kanyang post sa Facebook Huwebes ng umaga, humingi ng dasal ang senador para sa kanyang ina.

“My 89-year old Mom, who tested positive for COVID-19 three weeks ago, is now in critical condition in our local hospital in Iriga City. Her cardio-pulmonary systems now failing,” pahayag ni De Lima sa kanyang handwritten note. “I ask for prayers,” dagdag pa nito.