Davao City isasailalilm sa MECQ

ISASAILALIM sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Davao City simula Hunyo 5.


Ayon kay presidential spookesman Harry Roque, tatagal ang MECQ, ang ikalawang pinakamahigpit na lockdown level, hanggang Hunyo 20.


Bago ito ay umapela si Davao City Mayor Sara Duterte sa IATF na pairalin ang MECQ mula sa General Community Quarantine (GCQ) sa siyudad dahil sa pagsipa ng mga kaso ng Covid-19.


Noong nakaraang Mayo 31, nakapagtala ang Davao City ng 1,665 na active cases, ayon sa Department of Health (DOH).


Samantala, inaprubahan din ng IATF na isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) status ang General Santos City simula Hunyo 5 hanggang Hunyo 30.


Base sa pinakahuling tala ng DOH, mayroong 11,391 active cases sa Mindanao kumpara sa 10,174 sa Metro Manila. –WC