Dagdag 1M doses ng Pfizer dumating sa bansa


DUMATING ang 1,082,250 doses ng Pfizer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 Miyerkules ng gabi.

Sinalubong nina National Task Forces Against Covid-19 (NTF) medical consultant Dr. Ma. Paz Corrales at United States (US) Embassy economic officer Lucy Mason ang pagdating ng mga bakuna.

Huwebes ng gabi naman inaasahan ang pagdating ng panibagong 1,017,900 doses ng Pfizer na bahagi nang binili ng pamahalaan sa pamamagitan ng Asian Development Bank.

Nakatakda ring tanggapin ng Pilipinas ang 953,800 doses ng AstraZeneca ngayong Huwebes at Biyernes, na bahagi ng binili ng pribadong sektor.