NAGPOSITIBO sa coronavirus disease na si Senador Cynthia Villar, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.
“We just like to put on record that our distinguished colleague Senator Cynthia Villar had tested positive today for COVID-19. We would like to wish her well and pray for her speedy recovery and for all our members also to be extra careful in this time where COVID is still surging,” ayon kay Zubiri matapos ang roll call sa sesyon ngayong Martes, Agosto 9.
Si Villar ang ikatlong senador na nagpositibo, kasunod nina Sen. Imee Marcos at Sen. Alan Peter Cayetano.
Dumalo pa rin ang 72-anyos na senador sa sesyon bagamat virtual lamang.
Samantala, si Marcos ay nakaisolate at nakararanas ng “raging fever,” sinabi ni Zubiri.
Samantala, si Cayetano, na unang nagpositibo sa COVID-19 ay bibigyan ng virus test sa Miyerkules kung nakarekober na siya sa virus.
Upang limitahan ang mga pagbisita sa Senado sa Pasay City, itaas na kamara sa Pasay City, mas mahigpit na mga pamamaraan ang inilagay.