IMINUNGKAHI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na muling pahabain ang curfew hours sa Metro Manila dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos Jr., mungkahi anya ng ahensiya na gawing anim na oras ang curfew hours, mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Kasalukuyan ang ipinatutupad na curfew ay mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
“Meron pa kaming resolution na itinakda, nag-meeting lang kami kahapon, it has to do with curfew. Hanggang mapirmahan na lahat ia-announce ko na lang later on about it sa Metro Manila,” pahayag ni Abalos.
Noong nakaraang buwan, pinayagan ng 17 mayors na paikliin ang curfew hours simula Hunyo 15 dahil sa improving statistics ng mga kaso ng coronavirus sa Kamaynilaan.