Covid situation sa Vis-Min kontrolado–DoH



INIHAYAG ng Department of Health (DoH) na kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon sa Visayas at Mindanao sa harap ng patuloy na pagdami ng mga kaso ng impeksyon doon.


Sa isang panayam, sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kailangan lamang mahigpit na maitupad ang mga health protocols at mapabilis ang pagpapabakuna sa mga apektadong lugar upang mapababa ang mga kaso.


“We need to give priority to high risk areas, especially Western Visayas, like Iloilo, Negros Oriental, Dumaguete, Northern Mindanao and then Western Mindanao, like Zamboanga, Caraga region and Southern Mindanao. We need to prioritize these areas in our vaccination to actually prevent deaths and even severe cases of Covid,” sabi ni Vega.


Isinisi naman ni Vega sa pagkalat ng mga Covid variants sa halos lahat rehiyon sa bansa ang mabilis na pagtaas ng mga kaso sa Visayas at Mindanao.


Nauna nang sinabi ng DoH na naungusan na ng Mindanao ang Metro Manila sa dami ng kaso ng Covid-19. –WC