8 turista sa Bora huli sa pekeng RT-PCR test result


DINAKIP ng mga pulis sa Boracay ang pitong turista mula sa NCR Plus na gumamit ng pekeng RT-PCR test result nitong Biyernes.


Ayon sa Malay, Aklan police, apat sa mga suspek ay mula sa Cavite habang ang tatlo ay mula sa Manila, Quezon City at Bulacan.


Makaraang matuklasang palsipikado ang ipinakitang RT-PCR test result ay dinala sa quarantine facility sa Kalibo ang pito at isailalim sa swab test.


Nahaharap sila sa mga kasong paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at falsification of public documents.