KUNG paniniwalaan ang US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), hindi na kailangang sabunin ang mga grocery items at mga parcels mula sa online stores.
Sa pinakabagong mga pag-aaral ng CDC, nadiskubre na maliit lamang ang tsansa na makuha ang coronavirus mula sa mga bagay.
“Findings of these studies suggest that the risk of SARS-CoV-2 infection via the fomite transmission route is low, and generally less than 1 in 10,000, which means that each contact with a contaminated surface has less than a 1 in 10,000 chance of causing an infection,” ayon sa ahensya.
Sinegundahan naman ito ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases specialist sa Pilipinas, na sinabing namamatay ang mga virus kapag na-expose na ito sa hangin.
“Once they are exposed sa surfaces, that will make the virus inactivated. Hindi na sila ganoon kabilis, mabilis sila namamatay kapag nandoon na sila sa surfaces,” paliwanag ni Solante.
Laway, aniya, ang nagsisilbing proteksyon ng virus.