BAHAGYANG tumaas ang bilang ng mga tinamaan ng Covid-19 sa Metro Manila nitong mga nakaraang araw.
Ayon sa OCTA Research Group, tumaas ang growth rate o bilis ng pagdami ng mga kaso sa 6 porsyento, mula Setyembre 3 hanggang 10. Ang growth rate noong Agosto 27 hanggang Setyembre 3 ay nasa -17.
Umakyat din, dagdag ng OCTA, sa 13.3 porsyento ang positivity rate nitong Setyembre 9, mula sa 12.1 porsyento noong Setyembre 2.
“NCR is having a slow uptick in Covid cases. This is not unexpected given the increased mobility of the population,” saad ng grupo.
“The vulnerable sector (elderly and those with comorbidities) are advised to take extra necessary precautions,” dagdag nito.
Kabilang sa mga may pinakamatataas na kaso na naitala sa Metro Manila nitong Setyembre 10 ang Quezon City, 231; Maynila, 174; Pasig City, 102; Makati, 99 at Paranaque City, 96.