ISINIWALAT ng OCTA Research na bahagyang tumaas ang mga kaso ng Covid-19 sa Metro Manila sa nakalipas na dalawang linggo.
Ani OCTA Research fellow Dr. Guido David, umakyat ng limang porsiyento ang mga Covid cases sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na dalawang linggo, bagaman bumaba na ito sa dalawang porsyento nitong Sabado.
“Nagkaroon tayo ng spike, small increase lang sa NCR. Medyo unstable lang ‘yung trend. Right now that means may mga local government units na tumaas nang konti ang cases,” sabi ni David.
Idinagdag niya na ang pagtaas ay maaaring bunsod ng mga superspreader event, social gathering, at outdoor activities na hindi sumusunod sa mga health protocol. –WC