NILIWANAG ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang pag-aaral na nagsasabing may direktang epekto ang Covid-19 sa pagkalagas ng buhok.
Sa Laging Handa briefing, niliwanag ni Vergeire na may ibang dahilan kung bakit nalulugas ang buhok ng isang tao.
“Wala pa ho tayong sapat na pag-aaral ukol diyan. Marami hong factors ang puwede hong nakaka-cause ng hair loss. Maaari po itong tinatawag na dahil sa isang klase ng sakit o maaari ngang dahil sa stress,” sabi ni Vergeire.
“Wala pa ho tayong naitatala na mga ganitong kaso na marami ‘no, dito sa ating bansa na naging epekto apparently by Covid ‘no. But anyway sinasabi lang ho natin, oobserbahan ho natin iyan, pag-aaralan natin iyan,” aniya. –WC