PATULOY na tumataas ang bilang ng mga kaso ng respiratory infection, kabilang na dito ang Covid-19, ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa.
Gayunman, sinabi ni Herbosa nitong Biyernes, na hindi dapat mabahala ang publiko sa pagtaas ng kaso ng Covid dahil isa na lamang ito sa mga maraming sakit na bunga ng impeksyon sa respiratory, na kadalasan ay nakukuha sa mga pagtitipon na gaya nang nangyayari ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan.
“Kasi maraming party, maraming family reunion, maraming tao sa shopping malls, maraming tao sa public places. So talagang the risk of getting any respiratory infection is high, including COVID-19 cases,” paliwanag ng Kalihim.
Hindi na rin umano dapat mangamba sa Covid dahil para na lamang itong common na sipon, ubo at trangkaso.
“We shouldn’t be worried about COVID-19 anymore, because according to infectious disease experts, the most recent variants of interest are just like the common colds, and cough, and flu,” Herbosa said.
Pero kailangan pa rin ng doble ingat lalo na ang mga nasa vulnerable sector gaya ng mga senior citizens na mahihina na ang immune system at ga batang may comorbidity.
Mag-ingat din anya sa iba pang posibleng sakit na maaaring tumama .
“Tandaan natin, maraming ibang sakit, there are many illnesses other than COVID, and yun ang ating i-focus. Lahat, let us have a more inclusive approach, na lahat ng sakit, bantayan natin.”