Covid-19 cases sisipa muli sa June o July

NAGBABALA si vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. ng muling pagdami ng bilang ng Covid-19 cases sa June o July.


“We have to expect na this coming June and July, baka magkaroon na naman tayo ng peaking or surge,” ani Galvez sa panayam ng ABS-CBN.


Inisyu niya ang babala sa gitna ng patuloy na paglobo ng bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng virus.


“Ang nakita po natin, hindi pa po tapos ang Covid. Nakita po natin, the wrong notion na Covid is already finished in some other countries. It can reappear anytime. We have to expect for the worse when we are planning something. We are now preparing for it, just in case,” aniya.


Nakatutok ang pamahalaan, dagdag ni Galvez, sa mga malalaking siyudad gaya ng Metro Manila, Cebu at Bacolod City kung saan na-detect ang “cycle of infections” noong isang taon.


“Ganoon ang ginagawa nating planning. Until such time na there is already a definite cure or definite elimination for the COVID, that’s the time we will see yung economic recovery,” ayon sa kalihim.